hi•la•gák : palumpong (Uvaria rufa) na gumagapang pataas, 5-6 m ang taas, mabalahibo ang ilalim na bahagi ng dahon
hi•lá•hid 1: pagkabit sa damit ng mga mumunting bunga ng haláman gaya ng amorseko 2: bahid o mantsa na nakuha mula sa paghipo ng isang bagay
hí•la-hí•la 1: isang uri ng maliit na lambat na karaniwang ginagamit sa panghuhúli ng hipon 2: awiting-bayan sa maramihang pagsagwan at may koro.
hi•lá•hod 1: pagkaladkad sa tapis, sáya, o anumang bagay 2: pag-kamot sa sarili tulad ng pusa 3: pagkilos nang nanghihinà o tinatamad.