• hi•mà

    1. 1:
      maputîng likidong lumalabas sa puke
    2. 2:
      maputî at may amoy na likidong naiipon sa puke..
  • hí•ma

    1. :
      singaw sa balát sanhi ng pagpapawis.
  • hí•mag

    1. :
      pinaghalòng katas ng iba’t ibang punongkahoy; pinaniniwalaang nakagagalíng ng mga súgat.
  • hi•ma•gál

    1. 1:
      bayad sa paggawâ o paglilingkod
    2. 2:
      pagpapahinga mula nakagawiang gawain sa pamamagitan ng paggawâ ng iba.
  • hi•má•gal

    1. :
      labis na págod.
  • hi•má•gan

    1. 1:
      tao na gumagawâ o nagtatago ng himag
    2. 2:
      manggagamot na gumagamit ng himag.
  • hi•má•gas

    1. 1:
      matamis na kinakain pagkatapos ng karaniwang pagkain
    2. 2:
      pagtapos sa gawain nang walang kahirap-hirap
  • hi•má•gaw

    1. :
  • hi•má•go

    1. :
      pansa-mantalang paninibago sa trabaho o paligid.
  • hi•mag•sík

    1. 1:
      pagkadamá ng pag-tutol o poot laban sa awtoridad, batas, o tradisyon
    2. 2:
      pagtatakwil sa katapatan sa isang organisasyon
    3. 3:
      organisadong pagpapahayag o pag-kilos upang tumutol
    4. 4:
      organisado at armadong paglaban sa gobyerno
  • hi•mag•sí•kan

    1. 1:
      pagbabago sa pamahalaan o pa-mamahala sa pamamagitan ng nag-kakaisang pagkilos ng taumbayan
    2. 2:
      batayang pagbabago sa kalagayang panlipu-nan at pangkabuhayan
  • hi•má•hid

    1. :
      paglilinis nang tuyo sa pamamagitan ng pag-papahid ng nililinis sa panlinis sa halip na pagpapahid ng panlinis sa nililinis, hal paghimahid ng palad sa tuwalya.
  • hi•ma•kás

    1. 1:
      bagay na tagapagpaalala ng iba
    2. 2:
      hulíng paalam.
  • hi•ma•lâ

    1. 1:
      pangyaya-ring malinaw na salungat sa kinikilá-lang batas na siyentipiko
    2. 2:
      katangi-tanging bagay o pangyayari
    3. 3:
      kahanga-hangang halimbawa
  • hi•má•lad

    1. :
      panghuhula sa pamamagitan ng pagbása sa palad.
  • hi•ma•la•nì

    1. 1:
      larang na magnetiko o puwersa nitó
    2. 2:
      kondisyon o kalidad ng pa-giging magnetiko.
  • hi•ma•lát•yon

    1. :
      naghihingalo; nag-aagaw-búhay.
  • hi•má•lay

    1. 1:
      pangalawang paggiik sa uhay ng palay upang makuha ang mga butil na hindi nakuha sa una
    2. 2:
      paghabol, paghúli, o pag-abot sa isang bagay sa pangalawa o hulíng pagkakataon.
  • Hi•ma•lá•ya

    1. :
      bulubunduking tinatayâng humahabà nang 2,400 km sa hanggáhan ng Tibet at India; ang pinakamataas na taluktok ang sa Bundok Everest, 8,848 m
  • Himalaya Mountains (hi•ma•lá•ya máwn•teyns)

    1. :