hi•máy 1: pag-aalis ng butil ng mais sa busal o pag-aalis ng butó ng gulay o prutas 2: pag-alis ng lamán ng lamandagat 3: masusing pag-aaral o pag-susuri sa isang bagay 4: tálop o pag-tatálop
hí•may 1: pagpapahinga matapos ang gawain 2: pag-inom o paniniga-rilyo matapos kumain o bago matu-log.
hi•may•máy 1: tíla sinulid na estruktura na bumubuo sa tissue ng hayop o haláman 2: anumang materyal na maihihiwa-hiwalay na tíla sinulid at magagamit sa paghahabi 3: kapayapaan2-4 4: pagkahimatay dahil sa pagod
hi•may•nát 1: bínat 2: baging (Schefflera trifoliata) na mabulak-lak, at biluhabâ ang bunga na may limang sulok
him•ba•bá•lod : malaki-laking punongkahoy (Barringtonia acuta-ngula) na 16 m ang taas, may mga dahong nakapumpon sa dulo ng sa-nga at may mga bulaklak na maliliit sa tíla pendulong tangkay.
him•ba•ba•ó : malakíng pu-nongkahoy (Broussonetia luzonica), sali-salisi ang mga dahon, maliliit ang bulaklak na tumutubòng kumpol-kumpol sa isang mahabàng tangkay.
him•bu•bú•yog : malakí at ma-balahibong bubuyog (family Apidae) na may malakas na huni, at naninira-han sa bútas sa ilalim ng lupa