ir- 1: pambuo ng pang-uring nagsisimula sa titik r at nangangahu-lugan na hindi, hal irreducible 2: pambuo ng pangngalan o pang-uring nagsisimula sa titik r at nagsasaad ng negatibong diin, hal irregular
i•rád•yas•yón : proseso ng paglukob sa pamamagitan ng radyasyon, lalo na ang proseso ng paglalantad ng pagkain sa sinag na pumupuksa sa maliliit na organismo
I•rá•go : malakíng sawá ngunit hindi makamandag, may lakas na katumbas ng tatlong ahas, at madalas magpanggap na isang babaeng may magandang tinig
í•ral 1: paglaganap o pagpapalaganap ng bagay, gawi, o pangyayari 2: katunáyan1 3: kasalukuyang kalakaran o gámit 4: pagpapatupad sa isang kautusan o batas