pambuo ng pang-uring nangangahulugan na “isinasalarawan ng” at “pinupuno ng,” at kadalasang nakikibagay sa pangngalang nagtatapos sa -ion, hal gracious, curious
unlapi para sa mga pandiwa na may pokus akusatibo at binago mula sa magpa- upang hingin sa isang tao na gawin ng isa pang tao ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa, hal “Ipakuha mo ang libro.” “Ipaguhit mo ang mapa.”
2:
unlapi para sa mga pandiwa na may pokus akusatibo at binago rin mula sa magpa- upang ipagawâ sa isang tao ang kilos na hinihingi ng nagsasalita, hal “Ipakíta mong malakas ka.”
3:
unlapi para sa inuulit na salitâng-ugat upang ipahayag ang isang medyo nangangaral na hiling para gawin ang isang bagay, hal “Ipalinis-linis naman ang bahay.”
batay sa unlaping i- kasáma ang pag-, binago mula sa mga pandiwang mag- na nanganga-ilangan ng di-tuwirang layon, hal , “Ipagbili mo ang kotse ni Pedro.”
2:
batay sa unlaping i- kasáma ang pag-, binago mula sa mga pandiwang mag-, at ginagamit ang tuwirang layon bílang simuno hal “Ipagbili ang puto.” sa halip na “Magbili ng puto.”
3:
batay sa unlaping i-, binago mula sa pangngalang pag- at nagpapaha-yag ng matinding kilos, hal “Ipaglaban ang kalayaan.”
4:
batay sa unlaping i- at may kalakip na hulaping –an, binago mula sa mag- + -an, hal “Ipinagsigawan ng mga welgista ang kanilang tutol.”
unlaping binago mula magkang- kasáma ng isang salitâng-ugat na inuulit ang unang pantig at may anyo ng pandiwang nása pokus kawsatibo, hal “Ipinag-kanggagalit ni meyor ang nangyari.”
unlaping binago mula magpa- at ginagamit na simuno ang di-tuwirang layon, hal “Ipagpagawâ ng bahay ang bagong kasal.”
2:
unlapi para sa mga pandiwang may pokus na instrumental, binago mula magpa- ngunit ginagamit na simuno ang bagay na ginamit sa aksiyon ng pandiwa, hal “Ipinagpagawâ niya ng bahay ang napanalunan sa lotto.”
nakabatay sa unlaping i-, binago mula sa pasukdol na un-laping napaka- ngunit nakaugnay sa mga pandiwang mag-, nagpa-pahayag ito ng hindi kailangang tindi ng kilos, hal “Ipakatulak ang kotse.” sa halip na “Magtulak ng kotse.” o “Itulak ang kotse.”
unlaping binago mula sa mga pandiwang maki-, nagpapa-hayag ng isang hiling upang isagawâ ang kilos sa salitâng-ugat, hal “Ipakibili mo ako ng tinapay.” sa halip na “Makibili ng tinapay.”
2:
unlapi ng mga pandiwa sa pokus akusatibo at binago mula sa pandiwang maki-, nagpapahayag ng hiling na ibílang ang paksa sa kilos na isasagawâ, hal “Ipakilista si Pedro sa mga pupunta ng May-nila.”
nakabatay sa unlaping ipaki-, gumagamit ng mga pangnga-lan na may pa-, nagpapahayag ng bagay na dapat gawin o tupdin, hal “Ipakipasara ang pinto mamaya.”
unlaping nakabatay sa i-, binago mula mga pandiwang mag-, magpa-, at maki-, at nagpapa-hayag ng pagsisikap ng tagaganap na maisáma ang isang tao sa gawain niya at ng iba pa, hal “Ipakipaglaban ang kalayaan.”
2:
unlaping nakabatay sa ipaki-, binago mula sa mga pan-diwang makipag-, ngunit karaniwang ginagamit bílang pangngalan o pang-uri sa mga anyong ipinakikipag-, ipinakipag-, at ipakikipag-, at nagpapahayag ng pokus na instrumental o kawsatibo, hal “Barong-tagalog ang ipinakipagsayawan niya.”
3:
May kalakip na hulaping –an at bumubuo ng mga pandiwa na may pokus na instrumental o kawsatibo at binago mula mga pandiwang makipag- + -an, hal “Ipinakipaglabanan ng partido ang kandidatura ni Jose.”
unlapi mula sa mga pandiwang may pokus akusatibo, binago mula mang-, man-, mam-, at ang tuwirang layon ang nagiging simuno ng pandiwa, hal “Ipinamigay niya ang panalo sa lotto.” sa halip na “Namigay siya ng panalo sa lotto.”
2:
unlapi sa mga pandiwa na may pokus instrumental, binago mula sa pang-, pam-, pan-, at nagpapahayag ng paggamit ng bagay para sa aksiyong ipinahayag ng salitâng-ugat, hal “Alambre ang ipinangtali sa baboy.”