is·kí·per 1: damit pang-itaas ng laláki na kauri ng kamiseta, walang biyak sa may leeg, at laging may manggas 2: ang pinunò ng koponan
is·kó·lar 1: a tao na paláarál b tao na pantas o paham sa anumang larangan ng karunungan 2: agrasyáda1
is·kó·lar·shíp 1: kaalaman o dunong na nakamit sa pamamagitan ng pag-aaral 2: suma ng salapi o iba pang tulong na inilaan sa iskolar 3: organisasyon na nagbibigay ng tulong
is·kór 1: talâ ng bílang na natamo ng bawat man-lalaro ng magkabilâng panig sa isang paligsahan 2: sa pagsu-sulit, bílang ng mga wastong sagot
is·krín 1: pirme o natitinag na kasangkapan, karaniwang binubuo ng balangkas, at nag-sisilbing proteksiyon, tabing, at iba pa 2: blangko, karaniwang putî o pilak na rabaw, maaaring mag-dulot ng liwanag para sa pagpapala-bas ng pelikula at iba pang larawang potograpiko 3: rabaw na túbong cathode o katulad na elektronikong kasangkapan, lalo na ang telebisyon, VDU, at iba pa 4: balangkas na may manipis, pino, at salá-saláng kawad upang magsilbing proteksiyon laban sa langaw, lamok, at iba pa 5: sa potograpiya, piraso ng salamin sa kamera para sa pagpopokus 6: malakíng salaán, lalo na ng mga butil at iba pa 7: sistema ng pagsusuri o pag-alam sa pagkakaroon ng sakít, kakayahan, katangian, at iba pa 8: sa paglilimbag, plaka o film na pino at nanganganinag, at gina-gamit sa reproduksiyon
is·kríp 1: mga titik o karakter na ginagamit sa pagsulat sa pamamagitan ng kamay 2: ang lamán ng manuskrito o do-kumento 3: ang manus-krito o isa sa mga kopya ng nasu-sulat sa dula, pelikula, radyo, at iba pa