isogamy (ay•só•ga•mí) : sek-suwal na reproduksiyon sa pamama-gitan ng funsiyon ng magkaparehong gametes
isolationism (áy•so•ley•syo•ní•sem) : patakaran ng pag-urong o hindi pakikibahagi sa mga gawain ng ibang mga bansa o pangkat, lalo na sa politika
isomer (áy•so•mér) 1: isa sa dalawa o higit pang compound na may magkatulad na pormulang molecular ngunit magkaiba ang ayos ng mga atom at magkaiba ang mga katangian 2: isa sa dalawa o higit pang nukleong atomiko na may mag-katulad na atomic number at mass number ngunit magkaiba ang estado ng enerhiya
isometric (ay•so•mét•rik) 1: magkatumbas na súkat 2: nagbi-bigay ng tensiyon sa kalamnan há-bang pinipigilan itong umikli o lumiit 3: walang pagbabago sa hugis o lakí
isometrics (ay•so•mét•riks) : sistema ng pisikal na pag-eehersisyo na nagsasalungatan ang mga kalam-nan sa isang nakapirming bagay
i•so•mor•pís•mo 1: kalagayang isomorpo 2: ang isa sa isang relasyon sa mapa ng dalawang set na pinana-natili ang mga relasyon na tinataglay ng mga element