información de pobreza (im•fór• mas•yón de po•bré•sa) : noong panahon ng Espanyol, legal na deklarasyon ng kahirapan
informatics (ín•for•má•tiks) : agham ng pagpoproseso ng datos para sa pag-iimbak at pagkuha nitóng muli.
information theory (ín•for•méy•syon thyú•ri) : matematikal na pag-aaral ng pagsasakodigo at pag-hahatid ng impormasyon sa pama-magitan ng pagkakasunod-sunod ng mga simbolo at iba pa
informe de conducta (in•fór•me de kon•dúk•ta) : no-ong panahon ng Espanyol, hudisyal na imbestigasyon ukol sa pagkatao ng isang indibidwal
ín•fra- 1: nanganga-hulugang sa dakong ilalim 2: nangangahulugang nása ilalim o ibabâng bahagi ng katawan
ín•fra•réd 1: ang bahaging infrared ng ispektrum 2: sa elektromagnetikong radyasyon, may habàng-alon na mula 800 nm hanggang 1 mm, at inilalabas ng maiinit na bagay
infrasound (ín•fra•sáwnd) : mga tunog na may dalasang higit na mababà sa lakas na káyang marinig ng tao
ín•fun•di•bu•lúm 1: hugis embudong organ o bahagi 2: hugis embudo sa cerebrum na nag-durugtong mula sa pituitary gland hanggang sa utak 3: espasyo sa ka-nang ventricle sa pulmonary artery