ing•kli•nas•yón 1: saloobin o disposisyon na kumi-kíling sa isang bagay 2: rabaw o posisyong nakahilig
ing•kom•pa•tí•ble 1: hindi magkasundo 2: hindi nagkakaisa sa gawain, trabaho, at katulad 3: sa gamot, hindi maaaring pagsabayin ang pag-inom 4: sa mákiná, hindi maaaring gamiting kombinasyon
íng•ko•mu•ni•ká•do 1: inalisan ng pakikipagtalastasan sa ibang tao 2: sa bilanggo, nakahiwalay sa iba at nag-iisa
íng•ku•ba•dór 1: aparato na nagbibigay ng tempe-raturang angkop para sa sanggol na isinilang nang maaga o sa sanggol na hindi sapat ang timbang 2: aparato para sa pagpisâ ng mga itlog, pagpapalakí ng mga organismo, at iba pa
íng•ku•ná•bu•lá 1: mga kopya ng aklat na inilimbag bago ang 1501 2: mga unang yugto ng pag-unlad ng anuman
Ing•la•té•ra : bansa na may pinakamalakíng dibisyon o hati ng United Kingdom, sumasakop sa Scotland at Wales