in-ín 1: pagpapanatili sa mahi-nàng apoy ng nilulutòng pagkain upang maluto nang husto 2: san-daling pananatili sa higaan ng tao na bagong gísing
i•níp : masamâng paki-ramdam, maaaring pagkabagot o pagkayamot dahil sa isang bagay na mabagal, mahabà, at hindi kawili-wili, karaniwang nararamdaman kapag matagal naghihintay, napaka-habà ang biyahe, o walang kuwenta ang pinanonood na palabas
i•nís 1: kakulangan sa oxygen o labis sa carbon dioxide sa katawan, karaniwang sanhi ng pagtigil sa paghinga at nakapagdudu-lot ng pagkawala ng malay 2: pakiram-dam na pagkagalit o yamót
i•nís•ya•tí•ba 1: kakayahan na masimulan o maipag-patuloy ang gawain 2: unang pasiya o hakbang na walang nagdidikta
initiate (í•ni•si•yéyt) 1: simu-lan; pangunahan 2: tanggapin nang pormal sa samahán, tanggapan, lipunan, at katulad