ín•set 1: labis na pahina o mga pahina na isinisingit sa naka-tuping pahina o sa aklat 2: maliit na larawan at katulad na isinisingit sa loob ng isa pang higit na malakíng larawan
in•si•dén•te 1: pángyayári 2: bagay na may kaugnayan sa isang bagay 3: maliit na sigalot o hindi pagkakaunawaan
insider (in•sáy•der) 1: tao na bahagi ng lipunan, organisasyon, at iba pa 2: tao na maimpluwensiya o nakababatid ng lihim na kaalaman
in•sín•was•yón 1: hindi tuwirang pagmumungkah 2: hindi tahasang pag-sasabi ng isang bagay 3: banayad o masining na pagpapasok sa isip 4: sining o kapangyarihang maku-ha ang niloloob o nais