íns•krip•si•yón 1: mga salitâng isinulat, inukit lalo na sa isang monumento, barya, bató, at iba pa 2: pagsusulat o pag-uukit ng mga ito
in•sol•bén•te 1: hindi káyang magbayad ng mga utang 2: anumang hinggil dito 3: tawag sa tao o organisasyon na hindi makabayad sa mga utang o pananagutang pampa-nanalapi
insoluble (in•sól•yu•ból) 1: walang kakayahang matunaw o malusaw 2: hindi káyang malutas o mabigyan ng solusyon
íns•pi•rádo : buháy at ma-sigla sa pagsasagawâ ng isang bagay, na tila may impluwensiyang sobre-natural
ins•pi•ras•yón 1: puwersa o impluwensiyang ipi-napalagay na nagpapasigla o pumu-pukaw ng malikhaing gawain, o anumang katulad 2: tao, prinsipyo, at iba pa, na pinagmu-mulan ng sigla para sa malikhaing gawain, o anumang katulad 3: impluwensiyang banal na ipinalalagay na patnubay sa pagsulat ng Bibliya