ka•ra•táy 1: basket na pinag-sisidlan ng pagkain at isinasabit para ilayô sa dagâ at kulisap 2: bas-ket na masinsin ang pagkakalála at isinasakbat upang madalá ang mga damit hábang naglalakbay
ka•rá•te 1: anyo ng mar-tial art na kamay at paa lámang ang ginagamit bílang sandata 2: isports na ginagamitan nitó
ka•rá•tu•lá 1: piraso ng kahoy o anumang katulad na sinusulatan ng impormasyong pangmadla at isinasabit para mabá-sa ng lahat 2: etiketa4
ka•ráy 1: maliit na sisidlan na gawâ sa balát at pinaglalagyan ng mga kasangkapan ng platero 2: pag-sasáma o pag-anyaya na sumáma sa isang gawain, lalo na para magli-báng