ka•ré-ka•ré : putaheng karne ng báka, baboy, o katulad, sinangkapan ng iba’t ibang gulay, dinikdik na mani, at binusang bigas
ka•ré•o : panimulang pagpukaw o pagpapasigla ng dala-wang manok bago maglaban sa pamamagitan ng tukáan ng ulo o palong
ka•ré•ra 1: pagtakbo ng nag-uunahang mga kabayo 2: pag-takbo ng nag-uunahang mga atleta o hayop 3: propesyon 4: pag-unlad sa búhay, lalo na sa propesyon 5: pag-unlad sa kasay-sayan ng isang pangkat o institusyon
ka•re•rís•ta 1: tao na madalas pumusta o makiba-hagi sa karera ng kabayo 2: tao na mataas ang ambisyon
ká•ret : tanda o marka (^) na ginagamit sa nakasulat o nakalimbag na teksto at nanganga-hulugang mayroong dapat isingit
ka•ré•ta : behikulo na may runner at ginagamit na sasak-yan ng mga pasahero at kargamento, lalo na sa yelo, at hinihila ng kabayo, áso, reindeer, o isa o higit pang tao
ka•ré•te 1: sa pana-nahî o paglalála, ang ikirán, pulunan, o bobina ng sinulid 2: ikirán ng kawad ng koryente
ka•re•té•la : karwa-heng may apat na gulóng, hila ng isa o dalawang kabayo, at maaaring mag-sakay ng apat o mahigit na pasahero