ká•rit 1: kasangka-pang panggamas o pampútol ng damo, may kurbadong talim, at may puluhang kahoy 2: talim na may lampas ulong puluhan, ginagamit na pansungkit sa bungangkahoy 3: gasgas o mababaw na hiwa sa balát o anumang rabaw 4: proseso ng pagkuha sa katas ng nipa upang gawing alak o sukà
ka•ri•tón : sasak-yang panghakot, may gulóng, hini-hila ng kalabaw o báka kung malakí, itinutulak ng tao kung maliit
ka•ri•wa•rà•an 1: labis na pag-uukol ng pansin sa mga detalye na nagdudulot ng pagkabalam ng isang gawain 2: kapahamakán
kar•kár 1: pagbuklat sa naka-tiklop 2: pagpapahabà sa bagay na tulad ng lubid, pantahi, o , hibla 3: pagdalá o pagtangay ng alon sa buhangin
kar•kar•má : ikalawang kaluluwa na umaalis sa katawan kapag natatakot ang tao o nanana-kaw kapag napunta sa malayòng pook
kár•ma 1: sa Hinduismo at Budismo, doktrinang naniniwala na ang kabuuang kilos ng isang tao sa nakalipas na panahon ang ku-mokontrol sa kaniyang pag-iral sa hinaharap 2: matter na nag-uugnay sa kaluluwa bunga ng masasamâng pangyayari
kar•máy : punong-kahoy (Phyllantus acidus) na may puláng maliliit na bulaklak at may bungang tíla kamyas