ka•re•tíl•ya 1: maliit na kareta 2: kasangkapang pambuhat ng mabibigat na bagay, may isang gulóng, at dalawang ha-wakán
kar•gá 1: anumang dalahin o bagahe 2: bála ng baril o kanyon 3: koryente o lakas ng baterya 4: dalá o bigat sa balikat 5: interes o patubò sa pautang 6: buwís na ipinapataw 7: rekargo 8: ang panig ng pantalon sa arì ng laláki 9: pagpa-pahinto sa sasakyan sa tabí ng kalye
kar•ga•dór 1: tao na pagbúhat at pagbabâ ng kargada at mabibigat na bagahe ang gawain 2: posteng umaagapay sa pintuan o bintana
kár•go 1: dalá-daláhan o lulan mula sa isang pook patúngo sa ibang pook, karaniwang sakay ng bapor, tren, eroplano, at katulad 2: bagay na dapat ingatan o alagaan 3: pánana-gútan
ka•rí 1: iba’t ibang pagkaing Filipino na niluluto sa bahay o tin-dahan upang ipagbilí sa alinmang pook na matao 2: mga ulam o lutóng pagkain na maaaring mabilí sa karihan o karinderiya 3: pinaikling karí-karí 4: pangakò