ká•so 1: usaping dinalá sa hukúman 2: anumang halimbawa, sitwasyon, o pangyayari 3: ang kaukulan, hal kaukulang palagyo
ká•song 1: sapat na dami ng palay na inilalagay sa lusong upang bayuhin hanggang maihiwa-lay ang ipa sa bigas 2: varyant ng kaslóng
ka•so•pá•ngil : palumpong (Clerodendrum macrostigium), mala-pad ang dahon, at balahibuhin ang putîng korola
kas•tá 1: pangkat ng mga hayop na may iisang pinagmu-lan at katangian 2: pagtatalik o pangangasawa ng hayop
kas•tán•yas : matigas na punongkahoy (Cubilia blancoi) na laganap sa mga bansang kanluranin, may mahusay na kahoy, at nakakain ang butó sa loob ng bunga