ka•síng- : pambuo ng pang-uri na nangangahulugang katulad, kapa-ris, at kawangis, hal kasinghusay, kasingnipis
ka•si•ngáy 1: anumang bagay na may anggulong 90° o nakalitaw sa isang bertikal na rabaw 2: pakò na hugis U
ka•si•nu•nga•lí•ngan 1: malîng pahayag na may layuning manlinlang 2: pagsasabi ng mga bagay o impormasyong hindi totoo
ká•siw : damong anting-anting na pinaniniwalaang tagabu-lag at nagbibigay ng kapangyari-hang makalipad
ka•si•ya•hán 1: anumang nagdudulot ng tugon sa pangangailangan 2: kalagayan ng pagiging punô o labis na lugód 3: pagbi-bigay ng lugod o sayá 4: isang uri ng pagkaing ordinaryo o walang gaanong kuwenta