ka•tô 1: bukol sa lamán ng hayop 2: kulisap na maliit at nangangagat tulad ng garapata, ha-nip, pulgas, at katulad
ka•tók 1: tunog ng pagtama ng kamao sa kahoy o bakal 2: ingay na nililikha para pagbuksan ng pinto 3: sirà ng motor o mákiná 4: sirà ng ulo 5: umít o pang-uumit
ka•tól 1: nakapaikid na kulay lungtiang substance at may tíla in-sensong usok at amoy na pantaboy sa lamok 2: katí1
Ka•tó•li•kó 1: ang relihiyong Katoliko Romano 2: tao na may ganitong pananampalataya 3: lahat ng Kristiyano 4: kanluraning simbahan
Ka•tó•li•kó Ro•má•no 1: pangunahing sangay ng Kristiyanismo sa pamumunò ng Papa 2: simbahang nagtataguyod ng Katolisismo
Ka•to•li•sís•mo 1: pananampalataya at pamamara-an ng simbahang Katoliko Roma-no 2: sa maliit na titik, pagiging malawak ang pag-iisip at unibersal; kalidad ng pagiging katoliko
ka•tón : aklat na binubuo ng maiikling pangungu-sap at parirala para pagsanáyang basáhin ng mga baguhan