ka•tung•kú•lan 1: gawain na dapat tuparin ng isang tao batay sa pag-kahirang o designasyon, o dahil sa batas, kaugalian, at iba pa 2: ranggo o designasyon sa trabaho 3: a kasunduan o mga bagay na dapat tuparin b pagtupad sa kasunduan, pangako, at iba pa
ka•tu•pá•ran : pagsasagawâ ng isang lunggati, balak, tungkulin, pangako, o katulad sa kasiya-siyang paraan
ka•tú•ray : pu-nongkahoy (Sesbania grandiflora) na tumataas nang 5-12 m, may mahahabàng dahon na tíla pluma-he, may putîng mga bulaklak at kinakain, may bungang bayna, at katutubò sa Filipinas, Australia, India, Malaya
ka•tu•tu•bò 1: hinggil sa pook na sinilangan ng isang tao, o pinagmulan ng isang bagay 2: hinggil sa katangiang nagmula sa kapanganakan ng isang tao o likás sa isang bagay 3: magkasinggulang o iisa ang edad