kí•ling 1: paggalaw ng ulo pakánan o pakaliwa 2: pagpanig o pagsáma sa isang panig 3: uri ng tordo (Lusinia calliope) na kulay kayumanggi, may guhit na putî sa ibabaw at ilalim ng matá, at ang laláki ay may matingkad na kulay dalandan sa leeg at dibdib 4: hílig1
ki•lít 1: baltak o galaw ng kalam-nan 2: pag-umbok ng balikat kapag biglang tumawa o natatakot, karaniwan sa mga batà 3: hindi sadyang pag-ilag o pag-iwas 4: duling
ki•li•tî 1: anumang nagiging san-hi ng pagtawa o biglang paggalaw 2: sensi-tibong bahagi ng katawan na mada-lîng mapukaw sa pagtawa o biglang paggalaw 3: bahagi ng katawan o ugali na makikitáhan ng kahinaan
kill (kil) 1: kitilin ang búhay; patayin o pumatay 2: sirain; wasakin 3: sagarin ang sariling kakayahan o lakas 4: burahin ang isang file
killer (kíl•er) 1: mámamátay-táo 2: a tao na mahusay at naka-pupukaw ng loob b isang masayáng biro c Isp sa boksing, pamatáy na suntok
killjoy (kíl•joy) : tao na pumipigil o nambibitin sa kagala-kan o kasiyahang dapat tamasahin ng kapuwa
kiln : pugon na ginagamit sa pagsusúnog, paghuhurno, o pagpa-patuyô, lalo na sa pagletsada ng apog o paggawâ ng palayok