kilowatt hour (kí•lo•wát ar) : yunit ng pagsúkat sa konsumo sa lakas elektrisidad na katumbas ng 1,000 watt bawat oras
Kíl•roy : isang maalamat na pangalang pinasíkat ng mga sunda-long Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at makikilála lámang sa isinulat na pariralang “Kilroy was Here” sa mga pader sa iba’t ibang bansa
kil•sót : bulate na walang isang dangkal ang habà, at dumidi-kit sa mga tangrib at malalapad na bató sa dagat
kilt 1: katutubòng sáya na yarì sa itinuping telang tartan 2: sáya na isinusuot ng kababaihan at mga batà
kíl•ya 1: gulugod ng bangka o barko na sumusuporta sa balangkas nitó 2: pagkíling o posisyon na nais, tulad ng pisikal na gawî
kil•yá•wan : ibon (Oriolus chinensis chinensis) na malambing humuni, at may kaakit-akit na tíla gintong kulay ng pakpak at buntot