ka•ha•tì 1: tawag noong araw sa ikaapat na ba-hagi ng piso; dalawampu’t limang sentimo at katumbas noon ng dalawang reales o kalahati ng isang peseta 2: tao na nagmamay-ari ng kalahati ng kabuuan ng isang bagay 3: kabiyak
ká•hig 1: pagkayod sa rabáw ng isang bagay sa pamamagitan ng matulis na bagay 2: pagkutkot ng manok sa lupa kung naghaha-nap ng pagkain o naghahandang makipagsabong 3: pagsasanay sa manok na pansabong sa pamamagitan ng paghaharap nitó sa isa pang manok na pansabong hábang hawak ang buntot