ka•hi•rá•pan 1: kalagayan ng pagiging labis na dukha 2: kalagayan ng pagiging mas mababà ang uri o kulang sa halaga 3: pagtalikod sa karapatang magka-roon ng ari-arian bílang bahagi ng panatang panrelihiyon
ka•hís•ta 1: taga-paglagay sa kaha o kahon 2: sa limbagan noon, tagabuo ng nakaka-hang páhiná upang limbagin
ká•hog 1: pagmamadalîng isakatuparan ang gawain sanhi ng kagipitan sa panahon 2: pagka-pahiya dahil nahulí sa pagdatíng, pagtapos ng gawain, o pagbabayad ng utang
ka•hón 1: sisidlan na hugis parisukat o pahabâ, at maaa-ring gawâ sa kahoy, karton, metal, o plastik 2: sisidlan sa ilalim ng mesita o sa aparador 3: anumang sisidlan na parisukat ang hugis 4: hapilà1
ka•hór : lampóng o paglalam-pong, ginagamit din upang tumukoy sa kilos ng babae na nagnanais makipagtalik
ka•ho•yán 1: kawayan na nagsisimula nang manilaw dahil sa labis na gulang 2: halámang magulang na o bungang hinog na hinog na