ka•a•yu•sáng pan•li•pú•nan : paraan ng pagpapanatili ng katahi-mikan at pagsunod sa batas ng mga mamamayan sa isang lipunan
ka•bá 1: mabilis na pagtibok ng puso dahil sa pagkabigla o tákot 2: kutób5 3: mala-king basket 4: pagbiyak sa gitna sa pamamagitan ng kamay ng anumang bagay, tulad ng prutas, niyog, ó itlog
ka•ba•bá•yan 1: kabílang sa isang lahì o bansa 2: karaniwang tawag ng sinuman sa kapuwa niya isinilang at lumakí sa isang nayon, bayan, o lalawigan
ka•bág 1: uri ng paniki (genus Cynopterus) 2: pagbásag ng básong walang-lamán o ang tunog ng nabásag 3: pag-aalis ng sasakyang-dagat o ng angkla nitó
ká•bag 1: hangin sa loob ng tiyan sanhi ng mahinàng pan-lusaw na nagiging dahilan ng hindi pagkatunaw ng kinain, at malimit na paglabas ng hangin sa pamama-gitan ng pagdighay o pag-utot 2: pagpintig o pagtibok ng puso