- kpng | Mat | [ Ing ]:isang constant
- K, kpng1:ikalabing-isang titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na key2:ikalabing-isa sa isang serye o pangkat3:pasulat o palimbag na representasyon ng K o k4:tipo, tu-lad ng sa printer, upang magawâ ang titik K o k
- K, k (ká)png:ikatlong titik sa abaka-dang Tagalog
- ka-pnl1:pambuo ng pangngalan at nangangahulugang kapuwa o kasá-ma sa isang gawain, hal kakláse, katrabáho2:pambuo ng pangnga-lan at nagpapahayag ng relasyon o pagkakasapi, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kababatà, kababáyan3:pambuo ng pangngalan at nagpapahiwatig ng kaisipang pagpapatúloy sa mabuting samahán, na may pag-uulit sa salitâng-ugat, hal kalaró-larô, kasáma-sáma4:pambuo ng bagong pang-ngalan mula sa pang-uring salitâng-ugat upang idiin ang pag-aari, katangi-an, o pagiging abstrakto, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal kahirápan, kadakilàan5:pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng resiprosidad, pagkakasabay ng kilos, o kolektibong samahán, at karani-wang dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o -han, hal káliwàan, kátuwàan
- ka-pnl1:pambuo ng pandiwa at nagpapahiwatig ng kilos na katata-pos lámang, na may pag-uulit sa unang pantig ng salitâng-ugat, hal kaáalís, kagágawâ2:pambuo ng pandiwang balintiyak, nagpapahi-watig ng saloobín o damdamin, at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng -an o -han, hal kaawaán, katuwàan3:pambuo ng pandiwa na inuulit upang magbigay-diin at magpahi-watig ng hindi inaasahang kilos, hal kabása-bása niya sa diyaryo4:pambuo ng pandiwa at nagpapahi-watig ng pag-uulit o pagpapatúloy sa gawain, na may pag-uulit sa unang pantig ng pandiwa, hal kásasalitâ, kásusúlat5:pambuo ng pandiwa, nagpapahiwatig ng kilos na higit sa karaniwan, at dinudugtu-ngan ang salitâng-ugat ng –an o –han, hal Kátaasán mo ang pagsabit ng talì
- Kapng:tawag paggálang na ikinaka-bit sa pangalan ng nakatatanda o malayòng kamag-anak, hal Ka Bestre
- ká-pnl1:pambuo ng pang-uri at nag-sasaad ng kaliitan ng bílang, dami, o halaga ng anuman, hal kapiraso, kaikli2:pambuo ng pang-uri na nagbibigay-diin sa antas nitó at dinudugtungan ang salitâng-ugat ng –an o –han; ginagamit kasáma ng hindi o di , at ipinapalagay na isang pang-alipusta, hal “Di kágalingan ang pagkakágawâ.”
- kápng | [ Ehi ]:sa sinaunang Ehipto, pinaniniwalaang espiritwal na bahagi ng isang indibidwal na tao o diyos na nabúhay, at may kakaya-hang manatili sa estatwa ng nama-tay na tao
- ká-pnl:unlaping may gamit padam-dam gaya ng kay, hal Kaganda!, Kagalíng!
- Ká•a•bapng | Heg | [ Ara ]:gusali sa sentro ng Dakilang Masjid sa Mecca, katatagpuan ng banal na batóng itim, at dito humaharap ang mga Muslim kapag nagdarasal