ka•lám 1: pagkuyog ng anumang bagay katulad ng mga kuto sa ulo 2: pagkulo ng sikmura dahil sa gútom 3: pag-kabagabag ng konsiyensiya
ka•la•má•am 1: ari-ariang may pangkomunidad na sistema ng pagmamay-ari at pinag-hahatian nang pantay-pantay ang kíta 2: bákas o , pagbákas
ka•la•man•sá•nay : uri ng punongkahoy (Termina-lia calamansanai), tumataas nang 15 m, kulay kape ang balakbak, at ginagamit ang kahoy sa pagtatayô ng bahay at paggawâ ng muwebles
ka•la•man•sî : punòng sitrus (Citrus micro-carpa) na matinik, at may bungang bilóg at maasim ang katas
ka•lá•may : kakanín na niluto mula sa galapong na malagkit, bigas, o anumang lamáng-ugat, at nilahukan ng gatas at asukal
ka•lá•may : patatagin o payapain ang loob, karaniwan sa harap ng pang-yayaring nakalulungkot o nakaga-gálit
ka•lam•bâ 1: malakíng sisidlan ng likido, may malakíng bunganga, at yarì sa luad 2: punongkahoy (Aquilaria agallocha) na may dagtang ginagawâng insenso