ka•lán 1: gamit sa pagluluto, yarì sa luad, karaniwang may tatlong paa na magkakapantay ang taas at agwat sa isa’t isa, at siyang salangán ng iluluto 2: aparatong para sa paglu-luto sa pamamagitan ng apoy, gas, o koryente 3: paghahati, katulad ng pagha-hati sa barangay 4: paghahati o pagsasáma-sáma nang tig-apat
ka•lá•nan 1: manok na may iba’t ibang kulay ang kaliskis ng paa 2: uri ng palay 3: pook na kinalalagyan ng kalan 4: kusina
ka•lan•dák 1: bagay na totoo at alam ng lahat 2: pagpapalaganap ng mga sabi-sabi o lihim ng ibang tao 3: pagmamagalíng1
ka•lang•hu•gà : uri ng gastro-pod mollusk (genus Buccinum) na may paikid-ikid na talukab var kalanhugà