ka•nál 1: artipis-yal na daanan ng tubig para sa patubig, paglalakbay, at iba pa 2: túbo o daluyang nilalabasan ng likido sa katawan 3: anu-mang katulad na anyo sa mga estrukturang kahoy
ká•nan 1: nása panig o gawi sa silangan kung nakaharap sa hilaga ang tumitingin 2: kasalungat ng kaliwa 3: tumpák
ká•nap•ká•nap : nakakikíta nang malinaw kapag malapit, ngunit malabò ang pani-ngin kapag malayò ang tinatanaw