• kan•dá•do
    png | [ Esp candado ]
    1:
    anu-mang kasangkapang ginagamitan ng susi
    2:
    pampigil sa pagbukás ng pinto o bintana
  • kan•da•kí
    png | [ ST ]
    :
    piraso ng itim na balabal
  • kan•dáng
    png | [ ST ]
    1:
    galaw ng mga kamay at daliri hábang nagsasayaw
    2:
    lápad o súkat ng nakabukang pakpak ng ibon o manok
    3:
    habà o súkat ng pinakamalapad na anggulo ng bubong ng bahay
    4:
    pagbubuo ng bubong sa lupa bago ikabit sa itaas ng bahay
  • kán•dang
    png | [ Tau ]
  • kan•da•ngá•ok
    png | Zoo
    :
    uri ng mala-kíng ibon (Ardea manillensis), naha-hawig sa tagak, kulay lila, at mahabà ang paa, tukâ, at leeg
  • kan•da•ra•pà
    png | Zoo
    :
    uri ng ibong (Lyncornis macrotis) panggabi, ma-lakí kaysa pugo, at laging padapa o palukob kung lumapag sa lupa
  • kan•da•ra•pà
    pnd
    :
    halos mádapâ o masubsob dahil sa pagmamadalîng tumakbo o lumakad
  • kan•dá•ro
    png | [ Esp candado ]
    :
    var-yant ng kandádo
  • kan•dá•wa
    png | [ Mrw ]
  • kan•de•lá•bra
    png | [ Esp candelabra ]
    1:
    sanga-sangang salalayan na na-pagtutulusan ng dalawa o mahigit pang kandila
    2:
    matinik na haláman (Euphorbia lactea) na 3 m ang taas, may mga sanga na tumutubòng tíla kande-labra, laganap sa buong Filipinas
  • Kan•de•lár•ya
    png | [ Esp candelaria ]
    :
    araw ng eklesyastikong pagdiri-wang at papuri para kina Hesus at Birheng Maria, na may kasámang pagbabasbas sa mga kandila
  • kan•de•lé•ro
    png | [ Esp candelero ]
    :
    tirikán o pinagtutusukan ng kandila
  • kan•dí
    png | [ ST ]
    1:
    garapa o sisidlan na makipot ang leeg
    2:
    landi2
  • kan•di•dá•to
    png | [ Esp candidato ]
    1:
    tao na nominado o naghahangad na makamit ang katungkulan sa isang tanggapan, karangalan, at iba pa
    2:
    estudyante na nag-aaral upang makamit ang isang degree
  • kan•di•da•tú•ra
    png | [ Esp candida-tura ]
    :
    kalagayan ng pagiging kandidato
  • kán•di•dó
    pnr | [ Esp candido ]
    1:
    tahas at tapat
    2:
    hindi pormal
    3:
    walang pinapanigan, kán•di•dá kung pambabae
  • kan•dí•is
    png | Ana | [ Seb ]
  • kan•dí-kan•di•là•an
    png | Bot | [ kandi-kandila+an ]
    :
    damong (Statchytar-pheta jamaicensis) tumutubò at nabubúhay sa maruruming pook, malakahoy ang anyo, at tumataas nang 1-1.5 m
  • kan•di•là
    png | [ Esp candela ]
    :
    anu-mang pang-ilaw na yarì sa allid at sebo, at may mitsa sa pinakagitna
  • kan•dí•li
    png | [ ST ]
    1:
    lubos na panga-ngalaga o kalinga na ibinibigay sa mahirap at mahinà
    2:
    pag-aalaga na parang sariling anak
    3:
    pag-aalaga na parang sariling anak