ká•pa 1: naglalangis at mani-law-nilaw na bahagi ng gatas o sa-baw 2: balabal na mahabà, malapad, at walang manggas
ka•pa•ba•ya•án : kawalan ng wastong pag-iingat sa paggawâ ng isang bagay, kara-niwang nagdudulot ng pinsala sa iba
ka•pa•ka•nán 1: interes, gawain, o anumang nanga-ngailangan ng kilos o pagpupunyagi 2: kalusugan, kaligayahan, at kaunlaran ng isang tao o pangkat
ká•pa-ká•pa 1: palumpong (Medinilla magnifica) na makahoy, may apat na palupo, makapal, mala-pad, at balahibuhin ang dahon, at hugis bituin ang putîng bulaklak, may 100 species na katutubò sa Filipinas 2: pasamáno1
ka•pál 1: súkat sa pagitan ng dalawang magkabilâng rabaw 2: dami ng isang bagay, hal kapál ng tao sa bangketa, kapal ng salapi 3: likhâ2 o nilikhâ 4: keyk na gawâ sa tinapay