ka•pá•lang 1: hindi kásukát; hindi husto 2: sa pag-aasawa, hindi pantay ang edad, kalagayang pangkabuhayan, uring panlipunan, at iba pa
ka•pa•lá•ran 1: pangyayari na hinihinuhang magaganap sa búhay ng tao o anumang nilaláng 2: ang nangyari tulad ng inaasahan 3: pálad2
ká•pal-ká•pal : palumpong (Calotropis gigantea) na tumataas nang 2-3 m at may bulaklak na hugis bituin mula putî hanggang morado ang kulay at ginagawâng kuwintas
Ka•pam•pá•ngan 1: pangkating etniko na matatagpuan sa Pampanga, Gitnang Luzon 2: tawag sa mga tao na isinilang sa Pampanga 3: tawag sa wika ng nabanggit na pangkating etniko