kas•kás 1: paggadgad o pagkayod sa rabaw sa pamamagi-tan ng matigas na bagay 2: kuskós 3: mabilis at biglaang pagtalilis o paglibad
kás•ko, kas•kó 1: mahabàng sasakyang pang-ilog na may silungán sa magkabilâng dulo 2: tiyan o ibabâng bahagi ng sasakyang-dagat
kas•lág 1: ingay na nagaga-wâ ng tao na naglilipat ng isang bagay 2: lilim ng mga sanga 3: kambas, tela, o plastik na ginagawâng silungan 4: pagaspas ng makapal na tela o anu-man kapag nahihipan ng hangin
ká•so 1: usaping dinalá sa hukúman 2: anumang halimbawa, sitwasyon, o pangyayari 3: ang kaukulan, hal kaukulang palagyo
ká•song 1: sapat na dami ng palay na inilalagay sa lusong upang bayuhin hanggang maihiwa-lay ang ipa sa bigas 2: varyant ng kaslóng