ka•sí•li 1: ibong pan-tubig (Anhinga melanogaster) na sumisisid, mahabà ang leeg at tuka, at maitim ang balahibo 2: palós 3: katí1 4: uri ng saranggola
ka•sín- : varyant ng kasing-, para sa mga salitâng nagsisimula sa d, l, s, t, at z, hal kasintaba, kasinlakas
ka•síng- : pambuo ng pang-uri na nangangahulugang katulad, kapa-ris, at kawangis, hal kasinghusay, kasingnipis
ka•si•ngáy 1: anumang bagay na may anggulong 90° o nakalitaw sa isang bertikal na rabaw 2: pakò na hugis U