ka•tum•bás 1: kata-pat na halaga, súkat, bisà, at iba pa 2: may katulad na anyo, posisyon, fun-siyon, at iba pa
ka•tu•ná•wan : panahong humigit-kumulang sa isang linggo pagkatapos ng kabilugan at kalahatian ng buwan
ka•tu•ná•yan 1: pagiging tunay o totoo ng isang bagay 2: ang tunay o likás na anyo ng isang bagay 3: a anumang umiiral na bukod sa mga ideang kaugnay nitó b anumang umiiral na bukod sa iba pang bagay at pinagmumulan ng iba pang bagay
ka•tung•kú•lan 1: gawain na dapat tuparin ng isang tao batay sa pag-kahirang o designasyon, o dahil sa batas, kaugalian, at iba pa 2: ranggo o designasyon sa trabaho 3: a kasunduan o mga bagay na dapat tuparin b pagtupad sa kasunduan, pangako, at iba pa
ka•tu•pá•ran : pagsasagawâ ng isang lunggati, balak, tungkulin, pangako, o katulad sa kasiya-siyang paraan