ká•u•tu•sán : pagsasabatas ng alituntunin na pi-nagtitibay ng sanggunian sa isang barangay, bayan, o lungsod at pina-iiral sa nasasakupang pook o lokali-dad
ká•wad 1: metal na hinubog túngo sa manipis na himaymay o bára 2: ang naturang bagay na gina-gamit upang daluyan ng koryente
ká•wad-ka•wá•ran 1: halámang (Cassytha filitormis) parasitiko, may pumupu-lupot na mahabà at payat na tangkay, maliliit ang bulaklak, at malamán ang bunga 2: lawálawá 3: balbálut
ka•wág 1: igalaw ang mga bisig at paa, lalo na sa paglangoy o kung nalulunod 2: paggalaw ng pakpak, buntot, at iba pa