ka•wak•sí 1: a pagiging kaugnay sa isang gawain, kasunduan, at iba pa, para sa isang layunin b bagay na kaugnay ng isa pa 2: deputy
ká•wal 1: tao na naglilingkod sa hukbong-sandata-han 2: alagád 3: kasama-han na tumutulong sa iba 4: bagay na pumipigil o sagwil sa pag-bibigkis
ka•wa•láng-hang•gán 1: pagiging walang-hanggan; pagiging walang katapu-san 2: sa teolohiyang Kristiyano, búhay na walang-hanggan 3: katotohanang walang kamatayan
ka•wa•lì : lutuáng bakal na may isang hawakán na nakakabit sa labì, maluwang ang bibig, at bilóg ang malukong na pu-wit
ká•wang•ga•wâ 1: pagkakaloob ng tulong sa dukha, maysakít, at nangangaila-ngan 2: anumang serbisyo o bagay na ipinagkaloob sa nangangailangan
ká•wa•ni•hán 1: isang sangay ng kagawaran 2: isang ahensiyang pangnegosyo, karaniwang nagsisilbing tagakolekta, tagapag-uri, tagapamahagi, o tagapa-magitan
ká•was 1: pagliligtas mula sa pagkaalipin 2: kapatawaran o pagpapatawad sa kasalanan 3: pag-papakinis