ka•lít 1: langitngit ng sirâng mesa, káma, o upúan 2: langitngit ng sirâng mesa, káma, o upúan 3: larong kahawig ng bowling
ká•lit-ká•lit : baging (Cayrata trifolia) na tatluhan ang dahon, putî na lungtian ang bulaklak, at kulay lila ang makatas na bunga
ka•li•wâ 1: nása kanluran kung nakaharap sa hilaga ang tumitingin 2: kasalu-ngat ng kanan 3: kasalungat ng tama
ká•li•wà•an 1: direkto at sabáyang pagpapalítan, karaniwan sa pagbilí 2: sa trapiko, kali-wang panig na pinahihintulutang likuán ng mga sasakyan
ka•li•wé•te 1: tumutukoy sa tao na malimit ga-mítin ang kaliwang kamay 2: taksil sa asawa o kasintahan
ka•li•yan•tán-i•lá•nan : pa-lumpong (Leea philippinensis) na 4 m ang taas, may mamulá-muláng bulaklak, at bunga na tíla puláng bignay, katutubò sa Filipinas at itinatanim ngayon sa mga hardin