kal•ko•ma•ní•ya 1: proseso ng paglilipat ng disenyo mula sa hindi karaniwang papel, túngo sa rabaw ng kristal, porselana, at iba pa 2: larawan o disenyo na dumaan sa ganitong proseso
kal•mâ : mabuting kapalaran o , kasiyahan, isang salitâng Kapam-pangan ngunit ginagamit ng mga Tagalog
kal•mín-kal•mín : malaki-laking isda (family Zanclidae) na may maliit na bibig ngunit tíla ilong na nguso, malapad at manipis na katawan, kapansin-pansin dahil sa mga bándang itim, putî, at dilaw mula itaas hanggang ibabâ ng katawan