kam•pa•níl•ya 1: maliit na kampana 2: baging (Allamanda cathartica) na madulas at biluhabâ ang dahon, at hugis kampana ang bulaklak 3: maliit na palumpong (Thevetia peruviana) 3 m ang taas, mabango ang bulaklak, malakí at kulay mapusyaw na dilaw, katutu-bò sa Timog Amerika
kam•pán•ya : serye ng nakaplano at sistematikong pagkilos o aktibidad na pawang ibinubunsod upang makamit ang isang takdang layunin
kam•páy 1: galaw ng bisig at binti hábang naglalakad 2: paggalaw ng mga pakpak ng ibon hábang lumilipad 3: tágay1,2
kam•pe•ón 1: pinakamagalíng sa lahat; ang nag-wagi sa torneo o paligsahan 2: tao na nakikipaglaban para sa ibang tao o nagtataguyod ng isang kilusan