kám•ping : pansa-mantalang pagtigil sa isang pook upang maglibang, magturò, o mag-sulit, tulad ng ginagawâ ng mga iskawt
kam•pít 1: maliit at manipis na patalim pang-kusina, may 2.54 sm ang lapad, at karaniwang gamit sa paghiwa ng anumang madalîng hiwain 2: tawag sa táo na may masamâng bibig
kám•po 1: pook na pinagsasanáyan at pinaghihim-pilan ng hukbo 2: pansamantala at magdamag na pagtigil sa isang pook upang magpahinga sa tent 3: pansamantalang himpilan ng mga tao, karaniwan mula sa sakuna 4: bukirin; lárang1 5: kampus
kam•pón 1: alagád 2: pag-panig o pagsanib sa isang pangkat 3: pagning-ning o pangingibabaw ng gawâ o ng itsura
kam•pú•pot 1: uri ng hasmin (Jasminum sambac) at kahawig ng sampagita ngunit higit na malakí ang bulaklak at maraming talulot na tíla rosas 2: pandakaki