kan•dá- : unlapi ng pandiwa, kasunod ng mag-, para ipahayag ang pagmamadalî hal magkanda-bulol sa pagsasalita
kan•dáng 1: galaw ng mga kamay at daliri hábang nagsasayaw 2: lápad o súkat ng nakabukang pakpak ng ibon o manok 3: habà o súkat ng pinakamalapad na anggulo ng bubong ng bahay 4: pagbubuo ng bubong sa lupa bago ikabit sa itaas ng bahay
kan•da•ngá•ok : uri ng mala-kíng ibon (Ardea manillensis), naha-hawig sa tagak, kulay lila, at mahabà ang paa, tukâ, at leeg
kan•da•ra•pà : uri ng ibong (Lyncornis macrotis) panggabi, ma-lakí kaysa pugo, at laging padapa o palukob kung lumapag sa lupa