kan•de•lá•bra 1: sanga-sangang salalayan na na-pagtutulusan ng dalawa o mahigit pang kandila 2: matinik na haláman (Euphorbia lactea) na 3 m ang taas, may mga sanga na tumutubòng tíla kande-labra, laganap sa buong Filipinas
Kan•de•lár•ya : araw ng eklesyastikong pagdiri-wang at papuri para kina Hesus at Birheng Maria, na may kasámang pagbabasbas sa mga kandila
kan•di•dá•to 1: tao na nominado o naghahangad na makamit ang katungkulan sa isang tanggapan, karangalan, at iba pa 2: estudyante na nag-aaral upang makamit ang isang degree
kan•dí-kan•di•là•an : damong (Statchytar-pheta jamaicensis) tumutubò at nabubúhay sa maruruming pook, malakahoy ang anyo, at tumataas nang 1-1.5 m
kan•dí•li 1: lubos na panga-ngalaga o kalinga na ibinibigay sa mahirap at mahinà 2: pag-aalaga na parang sariling anak 3: pag-aalaga na parang sariling anak