ka•ni•yá 1: tinutukoy ang anumang pag-aari niya, nagagamit nang walang kasunod na pangngalan kayâ’t tíla isang pang-uri 2: ipinantutukoy din sa pribadong bahagi ng katawan niya
kan•jí 1: pandikit o pam-bálot ng papel, karaniwan sa paggawâ ng saranggola 2: salawal na ibinaba-lot sa baywang
kán•ji : isang set ng mga karakter na Tsino na ginagamit ng mga Hapones sa sistema ng kani-lang pagsusulat
kán•kan 1: ma-sigla at pasipa sipang sayaw na itina-tanghal sa entablado ng mga babaeng nakamahabàng palda at petikot 2: erosyón
Kan•ka•ná-ey : pangkating etniko na matatagpuan sa hilagang kanluran ng Benguet at sa pook ng sinaunang Amburayan, sa hilaga ng La Union
Kan•ka•náy : pangkating etni-ko na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Mountain Province at nása silangan ng Ilocos Sur