kan•láng 1: mala-kíng tambol 2: sa sinaunang lipunan, gong o trosong tambol na pinapalò kung maghahatid ng mensahe sa mga tao
kan•líng 1: silid o anumang pinag-lalagyan ng pagkain, gamit, pingga, at iba pa 2: maliit na basket na lalagyán ng pagkain at iba pang báon sa paglalakbay
kan•lóg : pagkalog nang mala-kas at maingay ang tubig sa isang sisidlan upang linisin ito, mula dito ang “kinanlog ng alon ang bangka” o pagtangay ng alon sa sasakyang-dagat
kan•lóng 1: natatakpan o nalilili-man 2: nakakubli sa likod ng kalasag at iba pang harang, kayâ hindi makíta o makakíta
kan•lú•ran 1: di-reksiyon ng nilulubugan ng araw 2: isa sa apat na pangunahing púnto ng kómpas, 90° sa kaliwa ng hilaga, katapat ng silangan 3: karaniwang nása malakíng titik, rehiyon o pook na nakatalaga sa di-reksiyon ng kanluraning bahagi, bílang kaiba sa Silangan 4: sa malakíng titik, ang kanluraning bahagi ng mundo, bílang kaiba sa Silangan
ká•no : pinakamaliit na uri ng tulya (Tridacna crocea) na mamulá-muláng dilaw ang takupis, gayon din ang lamán, at humahabà nang hanggang 15 sm
ká•non 1: masak-law na batas, tuntunin, o batayan 2: utos ng simbahan 3: kasapi ng ordeng Katoliko Roma-no 4: nása malakíng titik, kalipunan o listáhan ng mga sagra-dong aklat na tinatanggap bílang tunay 5: itinuturing na toto-ong mga akda ng isang awtor o ang listáhan ng mga ito 6: bahagi ng misang Katoliko Romano, nagla-lamán ng mga salita ng konsagras-yon 7: listáhan ng mga ak-dang pampanitikan at mga likha na itinuturing na panghabàng-panahon at may pinakamataas na uri