lí•ga 1: kapisanan 2: palarong sunod-sunod na pinaglala-bánan ng mga koponan 3: ma-dikit na sangkap mula sa halaman na ipinapahid sa sanga ng punò upang makahuli ng maliliit na ibon 4: tubig na pampalabnaw ng timpla.
li•gák 1: pagtagilid ng lutuán sa kinasasalangan 2: paglinsad o pag-sála ng tápak; pagsála ng paa sa tinatapakan.
li•gáng 1: pagkahulog ng anu-man sa bútas 2: ang bútas na kina-hulugan 3: pagiging akmang-akma ng isang bagay sa bútas na pinagla-lagyan.
li•gás 1: hibla1,2 2: maba-bàng punongkahoy (Semecarpus longifolius) na malamán at makatas ang bunga na kahawig ng kasoy, ka-tutubò sa Filipinas 3: pistíl 4: hápon1