lí•bot 1: paglalakad nang walang tiyak na layunin 2: pagdadalá ng ibang tao o isang bagay kung saan-saan 3: pag-punta kung saan-saan
Líb•ra 1: a ikapitong simbolo ng zodyak at pinapasok ng araw mula 23 Setyembre hanggang 22 Oktubre b tao na ipinanganak sa panahong ito 2: konstelasyong kinakatawan ng timbangan
librarian (lay•brár•yan) 1: tao na nagsánay sa mga kaalamán at mga pamamaraan ng pagliling-kod sa aklatan 2: namamahala o naglilingkod sa isang aklatan
lib•rét•to 1: teksto o mga salita sa isang opera o katulad na pinahabàng komposisyong pangmusika 2: aklat o maliit na ak-lat na naglalamán ng teksto