lig•tâ 1: hindi pagsáma sa isang tao o bagay 2: sinadyang hindi paggawa sa isang bagay o pagkalimot gawin ang isang bagay, gaya sa nakalimutang trabaho, naiwanang dadalhin, nalaktawang ba-basahín
lig•tás 1: wala o nakawala sa panganib, mahigpit na pangangailangan, o napakahirap na tungkulin 2: tubós o tinubos mula sa paru-sa, pagkakasála, o utang 3: tinulungan o sinaklolohan ang sinumang nása panganib
li•hà 1: bawat panloob na hatì ng kahel, suha, at katulad na bunga 2: bawat rehiyon na ibinubukod ng mga tiyak na guhit sa palad
lí•ha : papel na pinagas-pang sa pamamagitan ng buha-nging nakadikit, ginagamit na pang-kinis o pampatag; papel na pang-isis