lí•ken : organismong haláman (Lichenes group) na binubuo ng funggus at alga sa paraang simbiyotiko, karaniwang kulay lungti, abo, o dilaw, at tumutubò sa mga bato at punongkahoy
lik•hâ 1: paggawâ ng anuman búhat sa isang bagay o búhat sa wala 2: bagay na nagawâ 3: bunga ng imahinasyon
lik•hâng-ka•mây 1: isang kakayahan sa pag-gawâ ng kagamitan at produktong pandekorasyon sa pamamagitan ng kamay 2: isang bagay na ginawâ sa pamama-gitan ng naturang kakayahan
lí•kid 1: tumingin sa kabilâ; bumaling 2: maglipat o magtanggal ng hagdan, ginagamit din sa “likid ng araw” upang tumukoy sa paglipas ng pa-nahon
li•ki•da•dór 1: tao na naglilikida ng mga ari-arian lalo na yaong itinalaga ng batas 2: tao na pumapatay.
li•ki•das•yón 1: sa negosyo, ang lubusang pagbibili ng anumang bagay sa kompanya upang malutas ang suliranin sa pananalapi 2: pagbabayad ng utang 3: pagpatay.
lí•ki•dó 1: substance na binubuo ng mga molecule na pawang nakagagalaw nang malayà sa isa’t isa ngunit hindi naghihiwa-lay gaya ng gas 2: anumang bagay na lusáw o may tubig