lí•ma•lí•ma 1: isang uri ng kabute 2: baging (Schefflera odorata) na humahabà nang 2-6 m, makintab ang gilid ng dahon, at na-gagamit na gamot sa ubo ang balát
li•man•dá•hon : haláman (Pentapetes phoenicia) na mahabà at malapad ang mga sanga, malapad ang talulot ng bulaklak, at malagkit ang bunga.
li•man•sú•gat : palumpong (Pseudoranthemum bicolor) na biluhabâ ang dahon, maliliit ang bulaklak, at maba-lahibo ang hugis kapsulang prutas
li•más 1: pag-aalis o pagbabawas ng tubig, karaniwan mula sa bangka, o mula sa isang tubigán 2: pag-ubos sa salapi, hal hal paglimas sa bangko o paglimas sa pondo ng sugálan